SI PELE ANG DIYOSA NG APOY AT BULKAN
Ang mitolohiyang ito ay pumapatungkol sa pamilya ng mag asawang
is Haumea at Kane Milohai. Sila ay may roong anak na diyosa ngunit magkaiba ang
kapangyarihan ng dalawang ito kaya hindi ito nagkakaintindihan. Sa buhay natin
dadating tayo sa mga pagkakataon na hindi tayo magkakaintindihan katulad sa
ating pamilya o mga kaibigan. Ngunit dapat nating malaman na sa kahit anong
sitwasyon, kailangan nating bigyan ang isa't isa ng pagkakataon na ipahayag ang
kanyang gusto sabihin. sapagkat kapag hindi natin sila binigyan ng pagkakataon
maari nating itong ikasama.
MITOLOHIYA
Ito ay sinasabing pinagmulan ng mga sinaunang kwento na mayroong
kaugnayan sa aging pananampalataya at nagtataglay ang mga tauhan dito o mga
diyos at diyosa na nagtataglay ng kapangyarihang Hindi taglay ng mortal na Tao.
Sa buhay natin masasabi kong sa bawat bagay na aging nasimulan at matapos ay
mayroon tayong matututunan mula dito. Nakakatulong din sa ating buhay ang
mitolohiya dahil Ito at nakakatulong sa atin na mapalawig ating imahinasyon sa
mga kakaibang pangyayari kaysa sa mga karaniwan.
POKUS NG PANDIWA (TAGAGANAP AT LAYON O GOL)
Tagaganap o aktor ang
simuno ng pangungusap ang tagaganap ng kilos ng pandiwa. Sa ating buhay tayo
ang gumagawa ng ating kapalaran na gusto nating mangyari. Layon o gol
pagbibigay diin sa pangungusap. Halimbawa sa ating buhay kung may nagawa tayong
masamang bagay ididiin at ididiin nila tayo.
MACBETH
https://youtu.be/tggW1_MqmWo
kung gusto mong maabot
ang ambisyon mo kailangan mong alamin kung hanggang saan lamang ang iyong
limitasyon upang hindi ka mapasama. Sapagkat lahat ng bagay na gusto natin ay
may nakalaang panahon kung kailan natin ito makakamit. Ang pagkakaroon ng
mataas na mithiin ay hindi naging mabuti kung ito ay gagawin mo sa masamang
paraan. Kung gusto mong makamit ang iyong pangrap matuto kang paghirapan ito
dahil masasarap sa pakiramdam ang bagay na pinaghihirapan.
DULA
Ang dula aysining ng
pangagaya o pag iimita sa kalikasan ng buhay. Ang buhay natin ay parang komedya
sapagkat may mga pangyayaring nakakatawa na mangyayari sa ating buhay. Minsan
ay mga trahedya ding nangyayari na nagbibigay sa atin ng kalungkutan .minsan
naman ay sadyang namimiga ng luha sa mga tao at ito ay melodrama. Nandyan din
ang tragikomedya na nagdudulot sa atin ng pinaghalong katatawanan at kasawian.
Isang pa natin ang saynete na nagtuturo sa ating buhay kung ano ba ang ating
mga kaugalian at pakikipagkapw parating din sa buhay natin na may gagaya sa
atin na nagdudulot ng katatawanan kagaya ng parodya. Minsan ay mga nakakatawang
bagay ngunit ang mga ito ay walang saysay at ito ay tinatawag na parse. Minsan
naman ay mga alam tayo na salinakain na may kaugnayan sa ating buhay ito ay ang
proberdyo.
POKUS NG PANDIWA ( PINAGLALAANAN AT KAGAMITAN )
Pinaglalaanan o tagatangap ang simuno ang tumatangap ng kilos
mula sa pandiwa.sa buhay natin kung gagawa tayong matatamaan sa bawat. Kilos na
gagawin natin. Kagamitan, ang simuno ay ang kagamitan na gagamitin sa
pangungusap. Katulad na lamang sa buhay natin may mga tao talagang gagamitin
tayo para makamit ang kagustuhan nila.
ANG AKING ABA AT HAMAK NA TAHANAN
Kadalasan sa pagkamit ng
ating pangarap akala natin maghahatid ito sa atin ng magandang buhay ng ating
inaasam. Pero kalimitan ang ating pangarap pa ang maghahatid sa atin sa mga
dikaaya-ayang pangyayari na pewedeng mangyaring hindi natin inaasahan kaya kailangan
nating pagisipang mabuti kung ang ating pangarap ba ay maghahatid sa atin sa
magandang buhay.
TULA AT ELEMENTO NITO
Ang buhay natin ay parang tula dahil ito ay mayroong tugma kung
saan dapat may relasyon ang ating mga ginagawa. Dapat lahat ng bagay ay may
sukat o limitasyon para alam natin kung haggang saan lamang tayo. Ang buhay
natin ay parang larawang diwa kung saan kailangan natin maging direkta at
malinaw upang tayo ay mas madaling maunawaan. Ang buhay natin ay isang
simbolismo sapagkat lahat ng ating gagawin ay karampatang kahulugan.
ANG KUWENTO NG ISANG ORAS
Sa buhay natin hindi natin alam kung kailan o paano tayo
mawawala sapagkat hindi natin hawak ang ating buhay. Kailangan natin alamin ang
mga bagay na magpapasaya sa atin habang tayo ay nabubuhay pa dahil malay mo
isang oras mula ngayon may masamang mangyari sa atin ng hindi natin inaasaha.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento