Lunes, Oktubre 17, 2016


SI PELE ANG DIYOSA NG APOY AT BULKAN
Image result for Si Pele ang Dyosa ng apoy at bulkan
Ang mitolohiyang ito ay pumapatungkol sa pamilya ng mag asawang is Haumea at Kane Milohai. Sila ay may roong anak na diyosa ngunit magkaiba ang kapangyarihan ng dalawang ito kaya hindi ito nagkakaintindihan. Sa buhay natin dadating tayo sa mga pagkakataon na hindi tayo magkakaintindihan katulad sa ating pamilya o mga kaibigan. Ngunit dapat nating malaman na sa kahit anong sitwasyon, kailangan nating bigyan ang isa't isa ng pagkakataon na ipahayag ang kanyang gusto sabihin. sapagkat kapag hindi natin sila binigyan ng pagkakataon maari nating itong ikasama.

MITOLOHIYA
Image result for MITOLOHIYa
Ito ay sinasabing pinagmulan ng mga sinaunang kwento na mayroong kaugnayan sa aging pananampalataya at nagtataglay ang mga tauhan dito o mga diyos at diyosa na nagtataglay ng kapangyarihang Hindi taglay ng mortal na Tao. Sa buhay natin masasabi kong sa bawat bagay na aging nasimulan at matapos ay mayroon tayong matututunan mula dito. Nakakatulong din sa ating buhay ang mitolohiya dahil Ito at nakakatulong sa atin na mapalawig ating imahinasyon sa mga kakaibang pangyayari kaysa sa mga karaniwan.

POKUS NG PANDIWA (TAGAGANAP AT LAYON O GOL)

Image result for POKUS NG PANDIWA
 Tagaganap o aktor ang simuno ng pangungusap ang tagaganap ng kilos ng pandiwa. Sa ating buhay tayo ang gumagawa ng ating kapalaran na gusto nating mangyari. Layon o gol pagbibigay diin sa pangungusap. Halimbawa sa ating buhay kung may nagawa tayong masamang bagay ididiin at ididiin nila tayo.

MACBETH
Image result for macbeth
https://youtu.be/tggW1_MqmWo
 kung gusto mong maabot ang ambisyon mo kailangan mong alamin kung hanggang saan lamang ang iyong limitasyon upang hindi ka mapasama. Sapagkat lahat ng bagay na gusto natin ay may nakalaang panahon kung kailan natin ito makakamit. Ang pagkakaroon ng mataas na mithiin ay hindi naging mabuti kung ito ay gagawin mo sa masamang paraan. Kung gusto mong makamit ang iyong pangrap matuto kang paghirapan ito dahil masasarap sa pakiramdam ang bagay na pinaghihirapan.

DULA
Image result for DULA
 Ang dula aysining ng pangagaya o pag iimita sa kalikasan ng buhay. Ang buhay natin ay parang komedya sapagkat may mga pangyayaring nakakatawa na mangyayari sa ating buhay. Minsan ay mga trahedya ding nangyayari na nagbibigay sa atin ng kalungkutan .minsan naman ay sadyang namimiga ng luha sa mga tao at ito ay melodrama. Nandyan din ang tragikomedya na nagdudulot sa atin ng pinaghalong katatawanan at kasawian. Isang pa natin ang saynete na nagtuturo sa ating buhay kung ano ba ang ating mga kaugalian at pakikipagkapw parating din sa buhay natin na may gagaya sa atin na nagdudulot ng katatawanan kagaya ng parodya. Minsan ay mga nakakatawang bagay ngunit ang mga ito ay walang saysay at ito ay tinatawag na parse. Minsan naman ay mga alam tayo na salinakain na may kaugnayan sa ating buhay ito ay ang proberdyo.

POKUS NG PANDIWA ( PINAGLALAANAN AT KAGAMITAN )
Pinaglalaanan o tagatangap ang simuno ang tumatangap ng kilos mula sa pandiwa.sa buhay natin kung gagawa tayong matatamaan sa bawat. Kilos na gagawin natin. Kagamitan, ang simuno ay ang kagamitan na gagamitin sa pangungusap. Katulad na lamang sa buhay natin may mga tao talagang gagamitin tayo para makamit ang kagustuhan nila.

ANG AKING ABA AT HAMAK NA TAHANAN
Image result for  TAHANAN
 Kadalasan sa pagkamit ng ating pangarap akala natin maghahatid ito sa atin ng magandang buhay ng ating inaasam. Pero kalimitan ang ating pangarap pa ang maghahatid sa atin sa mga dikaaya-ayang pangyayari na pewedeng mangyaring hindi natin inaasahan kaya kailangan nating pagisipang mabuti kung ang ating pangarap ba ay maghahatid sa atin sa magandang buhay.

TULA AT ELEMENTO NITO
Image result for TULA AT ELEMENTO NITO
Ang buhay natin ay parang tula dahil ito ay mayroong tugma kung saan dapat may relasyon ang ating mga ginagawa. Dapat lahat ng bagay ay may sukat o limitasyon para alam natin kung haggang saan lamang tayo. Ang buhay natin ay parang larawang diwa kung saan kailangan natin maging direkta at malinaw upang tayo ay mas madaling maunawaan. Ang buhay natin ay isang simbolismo sapagkat lahat ng ating gagawin ay karampatang kahulugan.

ANG KUWENTO NG ISANG ORAS  
Image result for ANG KWENTO NG ISANG ORAS
Sa buhay natin hindi natin alam kung kailan o paano tayo mawawala sapagkat hindi natin hawak ang ating buhay. Kailangan natin alamin ang mga bagay na magpapasaya sa atin habang tayo ay nabubuhay pa dahil malay mo isang oras mula ngayon may masamang mangyari sa atin ng hindi natin inaasaha.